“HELLO, love? Saan ka na? Tapos na ba klase ninyo? Nandito na ako sa labas ng St. Claire, hinihintay ka,” ani Rick sa tawag isang hapong katatapos lang ng klase namin at naghahanda na kami ni Bambi sa paglabas. “Oo, love. Palabas na po kami ni Bambi,” malambing ko namang sagot habang inaayos ang notebooks ko sa bag ko. “Great. Hintayin ko kayo dito, dalian ninyo ha.” “Opo, love. Bye.” Ibinaba ko na ang tawag. “Sana all, may love!” bigla ay pasaring na panunukso sa akin ni Bambi. Nang tingnan koi to, ‘di ko halos namamalayang kanina pa pala ito nakikinig para tuksuhin na naman ako. “Hmmp! May pa-love love pa kayo diyan, samantalang ako narito alone all by myself at walang kajowa-jowa! Edi kayo na talaga! Kayong-kayo na talaga!” kunwaring maktol niya sabay irap. Tinawanan at malambing

