THERE will also be a separate celebration pa exclusively for his close friends na dito gaganapin sa bahay niya? Ang gara talaga ni Rick Salvador! Hindi nagtagal ay nakabalik na ulit ang lalaki. “Oh, ayos lang kayo dito?” “Maayos lang naman, anak.” “That’s great then,” cool na aniya saka bumalik sa kanyang upuan at nagpatuloy sa pagkain. “Rick, hindi mo man lang pala nababanggit pa kay Lena ang tungkol sa birthday mo?” Natigil bigla sa pagkain ang lalaki dahil sa tanong ng kanyang ina. “Hindi pa po, my. Sinabi ninyo na sa kanya?” “Oo! Akala ko kasi ay alam na niya!” He pouted at his mother. “My naman! Inunahan ninyo naman ako eh!” parang bata pang maktol niya na tila nagtatampo pero sa nagpapalambing lang namang tinig. “Eh akala ko nga kasi nabanggit mo na sa kanya! Magkasama na ka

