WE went inside his car, but this time, sa passenger’s seat kami pareho at magkatabing umupo dahil kumuha siya ng driver ngayon. “So, you wouldn’t drive on the day of your birthday, huh?” I teased him. He simply smiled and nodded. “Yeah.” Ilang sandali kaming tahimik habang nasa biyahe. Nakatingin ako sa daan samantalang ramdam kong titig na titig siya sa akin sa tabi ko. I tried looking at him once, umiwas kaagad ako. I tried looking at him the second time around, natawa na talaga ako. “What? Titig na titig ka? May dumi ba ako sa mukha?” Malambing na umiling siya habang ‘di talaga inaalis ang kanyang mga mata sa akin. “No, no. You actually look so perfect that I couldn’t take my eyes off of you.” Kinikilig na napaiwas na lang ako. Kinagat ko pa ibabang labi ko para pigilan ang pagkak

