4- “Call?”

1561 Words
"Now, everywhere I go, you’re there! Sinusundan mo ba ako, ha?" Nainis ako sa huling sinabi niya kaya nagkalakas loob ako para itulak siya. "Bakit naman kita susundan? Feeling mo naman ang gwapo-gwapo mo talaga! Asshole!" ’yon lang at kumaripas na ako ng takbo palabas ng bar. Sapo-sapo ko pa ang dibdib ko nang makalayo na. Hiningal ako doon ha! Nakauwi ako sa boarding house na pagod na pagod na sumalampak sa kama. Grabe, andaming mga nangyari sa akin ngayong araw. Mga bagay na hindi ko akalaing mangyayari, trabahong ’ni sa ginagap hindi ko naisip pasukin pero nakaya kong gawin, at higit sa lahat ay hindi ko inasahang mananakaw ang pinakaiingat-ingatan kong birhen kong labi sa loob ng eighteen years! Sa isang iglap lang nawala ’yon sa akin ng ganun-gano’n nalang! Kinabukasan, sa eskwela, matapos ng exams namin ni Bambi at nagme-meryenda kami sa canteen, kinuwento ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari. "What?! Nasayawan mo ang maling tao na inakala mong groom of the night?!" hindi makapaniwala at halos mabilaukan niyang naibulalas. Tumango ako. "Gano’n na nga." Bigla ba namang humalakhak ng pagkalakas-lakas ang baliw. "Hahahahahaha! Ang epic, Lens! Pramis! Hahahahahaha!" Ngumuso ako. "Hindi na nga maganda ang nangyari sa akin, pagtatawanan mo pa ako!" "Hahahahaha! Hindi ko mapigilan eh! I mean, sa apat na lalaki, pwede namang yung happily married na yung inakala mong groom at sinayawan mo, at least do’n safe ka kasi hindi ka na gagalawin nu’n dahil may asawa na siya, o kaya naman yung complicated ang lovelife kasi at least ’diba may chance na mahal na mahal pa niya girlfriend niya kaya hindi rin magkakainteres masyado sayo kaso do’n ka pa talaga sa binatang-binatang-binata! Hahahahaha! Sa apat sa kanila, yung pinakamatinik pa talaga ang na-jackpot-an mo, girl! Hahaha!" wala pa rin siyang humpay sa katatawa habang inaasar ako. ’Yon na nga eh! Sa apat na lalaki kagabi, ba’t kasi yung Rick pang iyon ang namaling akala ko at sinayawan ko! Oh, Lena, stop being so hypocrite! You know very well the reason! First of all, hindi ka nakikinig nang maigi sa instruction ni miss Natasya dahil destructed kang masyado kay Rick, and secondly, destructed ka talaga dahil sa apat sa kanila siya lang ang nakikita mo kaya ang buong akala mo siya talaga ang groom! "Ano, Lens?" malisyosang patuloy ni Bambi sabay lapit ng mukha sa akin. "Anong feeling ng mahawakan at mapisil sa pwet sa unang pagkakataon?" Nagulat ako sa tabas ng dila niya sa pang-aasar kaya napataas boses bigla ako. "Bambi!" namumula ko nga'ng saway! "Ano na, Lens? Hahaha! You’re blushing! ’Wag ka nga’ng pahalata diyan! Hahaha!" "Bambi, isa!" Paano akong hindi mamumula gayong napakamalisyosa ng tanong niya! Ghad! I have never expected my friend to be this green! "Hahaha, o sige, sige na nga! Eto nalang, anong feeling ng mahalikan sa unang pagkakataon, masarap ba? Matamis ba labi niya?" nanloloka talaga ang isang ito! "Bambi naman eh!" Humalakhak nalang siya nang humalakhak. "Virgin! Hahaha!" "Nagsalita ang hindi!" irap ko sa kanya. For all I know, parehas lang kaming no boyfriend since birth pa ’no! "You just don’t know... uh oh!" mapilya niyang sagot. "Ano?!" nanlalaki ang mga mata ko. "Hoy, Bambi, umayos ka diyan ha! May hindi ka ba sinasabi sa akin, ha?!" "Hahaha! Wala! Ginu-good time lang kita, Lens! Hahaha." "Siguraduhin mo lang ’yan, Bambi! Umayos ka!" "Opo, sister Lena! Hahaha!" Umirap nalang ako. Minsan talaga loka din itong best friend ko eh! "Teka, ba’t ba napunta bigla sa akin ang istorya, ha? Balik nga tayo sayo! So, ano na nga? Masarap labi ni mister wrong groom? Matamis ba?" "Bambi!" parang maiiyak na ako’t ayaw pa rin akong tigilan ng loka! "Hahahahaha! Oo na nga, hindi na! Hahahahaha!" Hindi na raw pero humahalakhak pa rin! Napa-face palm nalang ako tapos naisip kung matamis nga ba... oh well, matamis na maangas kasi may lasang alak sa nainom niya kagabi. Napailing bigla ako at sinuway ang sarili ko. Ba’t ko ba iniisip ’yon?! Itong si Bambi naman kasi eh, minsan nakakahawa ang pagiging greeny! Hindi ko tuloy maiwasang mapabalik-tanaw sa kung ano ang mga nangyari bago ako nasadlak na gumawa ng ganoong hakbang no’ng gabing ‘yon at kung paano ako napapayag na sumaway sa stag party na ‘yon dahil sa matinding kagipitan at pangangailangang pinansyal… "DITO tayo, Lena." Sumunod ako sa kaibigan kong si Bambi nang pumasok kami sa isang high class na night bar. Dire-diretso siya sa paglalakad at nakasunod lang ako sa kanya, mukhang alam na alam na niya ang mga pasikot-sikot dito, malamang mag-iisang taon na rin nang magtrabaho siya dito. Lumingon-lingon ako sa paligid at sa bawat sulok ng bar. Isang beses ko pa lang makapunta sa ganitong lugar pero masasabi ko namang darayuhin din siguro 'tong lugar na 'to sa mga customers dahil maliban sa napansin kong marami nang tao kahit alas singko palang ng hapon, eh kaaya-aya din naman talaga ang interior ng bar. Everything is black and white and the lights are dim. May mga umiinom sa stool malapit sa counter, may mga magbabarkadang nagtatawanan sa mahabang table, may mga magkakaibigang nasa gilid-gilid lang, at may mga schoolmates pa akong nakita na may kasamang mga ka-date. Wala akong masabi, paniguradong naliligo ang mga tao rito sa pera kaya nakaka-afford. Rich kid, ba. "Bambs, hintayin mo 'ko!" dali-dali kong kapit sa braso ni Bambi nang medyo nahuli ako at nakita kong may lalaki sa gilid ang tumingin sa akin ng malagkit mula ulo hanggang paa. 'Ni hindi nga ako naka-skirt o anong sexy'ng damit! Naka-tshirt lang ako, pantalon at puting sapatos! "Sigurado ka bang ligtas magtrabaho dito, Bambs?" nag-aalanganin kong tanong. Tiningnan niya ako. "Gagi, syempre! Hindi ako magtatagal dito kung hindi ligtas at hindi well-compensated ang mga waitress na nagtatrabaho dito!" Hindi nalang ako nagsalita kahit pa hindi pa rin ako kumbinsido. "Miss Natasya!" tawag niya sa isang babae nang makarating kami sa kabisera. "Oh Bambi?" marahang salubong naman ng nasabing babae. Nilingon ako ni Bambi. "Siya si Miss Natasya. Siya ang boss namin dito. Batiin mo, Len." "Uhm, good afternoon po." mahina at nahihiya kong bati. Kung susuriin, mukhang hindi lang din nalalayo sa edad namin ni Bambi ang edad nitong si miss Natasya. Halata ring bata pa eh. Ang ganda niya, maganda rin ang tindig at katangkaran niya, may pagkamestiza, maputi, at halata sa itsura niya ang likas na pagiging business-minded. She's wearing a baby pink cloth that's tucked in on her black skirt and a white stilleto on her feet. Sa porma at pananamit palang niya, mapaghahalataan na ang likas niyang kasosyalan. Looking up on her, she already looks like a business ambassadres at a young age. Kung tatantiyahin, mga nasa twenty-two or twenty-three palang siguro ang edad niya. She smiled at me and greeted me back. "Hi, good afternoon." "Uhm, miss... siya po si Lena, kaklase at kaibigan ko po. Kailangang-kailangan po kasi niya ng pera ngayon para sa exam namin the next day kaya kung may bakante po sana, mag-a-apply din daw po sana siyang waitress dito sa bar." ani Bambi sa amo. "Waitress?" tiningnan ako ni miss Natasya. "I really want to help you, Lena, pero sad to say wala nang bakante for waitress positions. Punuan na rin kasi ang mga waitress ko dito at kahapon, kaha-hire lang din namin ng dalawa kaya wala na talaga." "Ah, gano'n po ba, miss? Sayang." bumagsak ang balikat ko. "Utilities? Baka po may bakante pa kahit sa janitress position po?" hindi ako sumuko. Kailangang-kailangan ko kasi ng pera ngayon lalo pa't finals na namin si first term ng first semester. Bukod sa tuition fee, may clearance pa! "Janitress?" parang nabigla siya. "Magja-janitress ka?" What's wrong? Hindi ba ako pwedeng mag-janitress? Hindi naman ako namimili ng trabaho ah! Kahit ano, kahit tagakuskos pa ng CR 'yan, papasukin ko magkapera lang at matustusan ang pag-aaral ko! "Opo sana, miss." "Uhm, kumpleto na rin ang mga utility workers namin dito, and besides, hindi ka bagay mag-janitress. I mean, you're beautiful, fair, and you're flawless..." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nailang tuloy ako! "Alam ko na!" hyper niyang sinabi nang tila may naisip na remedyo para sa problema ko. "Tulad ng nabanggit ko, maganda ka, maputi at makinis ka naman... Why don't you dance on a stag party nalang tonight?" Nagulat ako at halos manlaki ang mga mata. What?! Just what?! "Po?" baka naman namali lang ako ng dinig? "Dance on a stag party! Ngayong gabi lang naman 'to eh, and if you'll do it, you'll have your ten thousand cash on hand immediately as your prize!" Natameme ako. Ten thousand, on hand immediately sa isang gabi lang? Pero ang gagawin naman ay ang sumayaw sa stag party? "Ano, Lena? Call?" tanong ni miss Natasya. Hindi ako makapagsalita kasi iniisip ko palang na magiging sexy dancer ako sa isang stag party, pakiramdam ko parang masusuka na ako. Hindi ko kahit kailanman naisip sa buong buhay ko na sasayaw ako sa harap ng maraming kalalakihan na nakasuot lang ng maiksi at maikling mga damit. Hindi ako tanga para hindi maisip ang scenario at itsura ng isang babaeng sumasayaw sa stag party para paligayahin at bigyan ng katuwaan ang mga kalalakihan. Sasayaw ka sa gitna nila nang bra at panty lang ang suot mo tapos maghihiyawan sila, magtatawanan, pagkakatuwaan ka nila habang ang trabaho mo'y landiin sila, akitin sa pamamagitan ng maalindog mong pagsasayaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD