"HINDI," naisambit ko saka umiling. Parang hindi ko naman yata kakayaning ibaba ang moral at pagkab*bae ko para lang sa pera! "Lena, pag-isipan mong mabuti ito. Ten thousand sa isang gabi lang, sasayawan mo lang naman sila at ii-entertain. Hindi ka naman magpapahalik sa kanila, at mas lalo namang hindi ka makikipag-s*x!" ngayon ay mamimilit na ang tono ni miss. "I'm sorry, miss, pero ayoko po talaga. Pasensya na po, maghanap nalang po kayo ng iba. Salamat po." 'yon lang at tinalikuran ko ito. "Wait, Len! Wait!" Dirediretso ako sa paglalakad palabas ng bar nang hindi na pinapansin ang may-ari. Ayoko nga'ng maging sexy dancer! 'Ni sa ginagap hindi ko yata naisip na sasayaw ako ng malandi sa harap ng mga kalalakihan! "Lena, teka. Pag-isipan mo ng mabuti ang offer ni miss Natasya sayo, t