XENA POV Mahigit isang buwan na din ang nakalilipas ng bumalik kami ni Alvin sa manila. Lagi akong nagpupunta sa bahay nila para makasama sila. Wala namang problema sa asawa at mga magulang nya. Nakapagtataka nga kung bakit asikasong-asikaso nila ako. Luminga-linga ako sa paligid. Kasalukuyan akong nasa SamNiel's Cafe. Inimbitahan ako ni Pauline na magkape dito Since wala daw syang gagawin tyaka kailangan nya raw ng mapagk-kwentuhan. Pumayag na lang ako para walang gulo. Pumasok si Pauline na nakangiti. Lumapit sya sa table ko at naupo sa tapat ko. Nag-order na kami, naupo ako ng maayos at ningitian ang kaharap ko. "Uhmm may problema ka?" I asked. Nalungkot ito at nagbaba ng tingin. "I think may kabit ang asawa ko." Diretso ang tingin nya sa akin. Di ko maiwasan kabahan at panlamiga