XENA POV Nakatingala ako, Madilim ang buong kapaligiran. Ako lang mag-isa ang nandito sa hardin. Bilog na bilog ang buwan. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang mga nagkikislapang mga bituwin. Mahigit dalawang linggo na ako dito sa bahay. Nasasaktan ako dahil iniiwasan ako ni Ate Xyril. Nakakapanibago dahil kung dati naglalambingan kami pero ngayun hindi na. Alam ko naman kung bakit sya ganun at dahil yun sa akin. Kasalanan ko kung bakit sya nagkaganun. Sinira ko ang tiwala nya. Naging kabit ako ng lalaking may pamilya na. Gusto ko lang naman maramdaman ang pagmamahal na tanging si alvin lang ang makakagawa. Sa isang linggo na lumipas. Di ko pa nagagawang makausap si Alvin. Namimiss ko na sya pero mukhang di nya ako namiss. Gusto ko syang makita ang kaso di ko alam kung pwede pa b