XENA POV "I'm mark deogracia, pinsan ko si Celine Deogracia." Napamaang ako. Matapos ang kaganapan sa Cafe. Hinila nya ako palabas at pinasok sa loob ng sasakyan nya. Wala na akong nagawa ng paandarin nya ang kotse. Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Tiwala naman ako na wala syang masamang gagawin sa akin. Hanggang sa ihinto nya ang sasakyan sa Park. Lumabas na sya ng kotse, nakasunod ako sa kanya. Naupo sya sa bench at ganun din ang ginawa ko. Namayani ang katahimikan hanggang sa basagin nya iyon. "Nabanggit ka sa akin ni Celine, may gusto lang sana akong sabihin sa iyo." Lumingon ako sa kanya. Nakikita ko ang lungkot at pangungulila sa mga mata nya. Sinabi sa akin ni Mark ang dapat kong malaman. Naguguluhan ako pero alam kong maiintindihan ko din kapag dumating na ang t