ALVIN POV "Sir, wala po si Sir Calvin sa kuwarto nya." Napasapo ako sa noo at napahilot sa sintido. Ang dami ko ng problema nakisabay pa sya sa mga problema ko. Lumabas ako sa office at pinuntahan ang kuwarto nya. "Wala ba sya sa buong bahay?" Tanong ko sa kasambahay. "Hindi ko po sya mahanap sir." Kinakabahan ako. Nagmamadali ang bawat galaw ko. Pagkabukas ko ng kuwarto nya walang nakangiting Calvin ang nabungaran ko. "Sabihan mo ang security sa labas kung nakita nila si Calvin." Seryosong pahayag ko. Tumango ang maid at umalis na. Hindi ako mapakali. Ang huling kita ko kay Calvin nasigawan ko sya. Ang gusto kasi ng bata ay makipaglaro sa akin pero imbis na pagbigyan sya ay nasigawan ko pa sya. Mainit ang ulo ko ng mga oras na iyon dahil hindi ko makausap ng maayos si Xena at

