ALVIN POV "XENA.." untag ko sa kanya. Kanina pa syang hindi kumikibo sa akin. Nag-aalala na ako sa pagiging tahimik nya. Nag-simula lang iyon ng bumisita kami sa pamilya ni Xena. FLASHBACK. "Xena, buntis ka ng mga panahong nasa coma ka. Hindi pa namin masabi sayo dahil may problema." "Wait what? Anong buntis? Bakit ngayun mo lang sinasabi sa akin ang lahat ng ito tyaka anong problema? Nasan ang anak ko" Bagama't naguguluhan nahihimigan ko pa din ang lungkot sa binitawang salita ni Xena. Katulad nya gulat din ako. Buntis ang asawa ko ng mga panahong niloko ko sya. Wala ako ng mga panahong kailangan nya ako. Nabalot ng kunsensya ang pagkatao ko. "Hindi namin alam xena. Masyadong mabilis ang pangyayare. Nalaman na lang namin na nawala na ang bata sa nursery. Ginawa namin ang laha

