ALVIN POV masama ang tingin ko kay Mark. Kaharap ko sya habang katabi ko sa pahabang sofa si Xena. Nakakapagtataka lang kung bakit gusto nya pa akong makausap gayung malinaw na sa akin ang lahat. Pinaniwala ako ni Pauline sa mga kasinungalingan nya. Ang tanga-tanga ko dahil bakit hinayaan ko umabot sa ganito. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Xena. Kinakabahan ako sa kung ano pang pwedeng malaman ko mula kay Mark. Kita ko ang pagkawala nito ng buntong hininga. Sinulyapan ako ni xena. Tumango sya at ngumiti sa akin. "Alam kong may kasalanan din ako dahil hinayaan ko si Pauline na lokohin ka. Kung sana hindi ako nagpakatanga kay Pauline, hindi na sana kayo magkakahiwalay ni Xena. Nandito ako para itama ang lahat Alvin." Napatiim bagang ako. "Bakit ngayun lang Mark? Limang taon. Li

