XENA POV Nakatuon ang atensyon ko sa pinto ng kuwarto kung saan nakakulong buong maghapon si Alvin. Tatlong araw na magmula ng ipaliwanag ko sa kanya ang totoo. Naging maayos na din ang lagay ni Calvin. Sa tatlong araw na iyon hinayaan ko lang si Alvin. Hindi ko sya makausap ng maayos dahil sa tuwing sinusubukan ko, umiiwas sya sa akin. Nakapag-impake na ako. Bukas na ang alis namin dito. Tanging si Calvin lang ang syang lagi kong kasama. "Mommy okay lang po ba si daddy?" Lumingon ako kay Calvin. Ginulo ko ang buhok nya at masuyo syang ningitian. "Wag mo ng alalahanin ang daddy mo. Busy lang talaga sya kaya hindi natin muna sya makakasama." Pahayag ko. Nang sumapit ang gabi. Tinulungan ko si Calvin na bihisan sya dahil aalis na kami. Nakaabang sa sasakyan sa labas si Alvin nang

