XENA POV Pinahid ko ang luhang kumawala sa mata ko. Hindi ko magawang ibangon ang sarili. Natatakot ako sa posibilidad na totoo ang nangyareng iyon. Di ko alam kung panaginip ba iyon o talagang patay na ang asawa ko. Nagising ako na wala na sa tabi ko si Alvin. Nandito pa din ako sa resthouse, sa kuwarto kung saan kami natutulog ni Alvin. May bumukas ng pinto. Hindi ko magawang sulyapan kung sino iyon. Narinig ko ang pagbaba nito ng susi. "Xena, wake up. Magluluto na tayo ng breakfast." Masuyong saad ni.. Alvin? Agad akong bumalikwas ng bangon. Nanlaki ang mata ko ng makumpirma na si Alvin nga iyon. Dali-dali akong tumayo at mahigpit syang niyakap. Napa-iyak ako. "Hey, anong problema? Bakit ka umiiyak?" Tanong nya. "Akala ko mawawala ka na sa akin." Nagawa kong sabihin iyo

