XENA POV "Mommy Xena! Look nagtanim kami ng rose ni daddy para sayo." Masayang imporma sa akin ni Calvin. Nilapag ko ang dalang food try na may lamang miryenda. Yumakap sa akin si Calvin ng makalapit sa kinatatayuan ko. Iniwan muna ni Alvin ang ginagawa. Pinunasan ko ang pawis sa noo ni Alvin habang mabilis nya akong hinangkan sa labi. Naupo na kami para magmiryenda. Sinalinan ko ng juice sa baso si Calvin. Tumitig ako sa dalawang taong mahalaga sa akin. Magkamukhang-magkamukha silang mag-ama. Nakapagtataka lang kung bakit nasabi sa akin ni Mark na hindi sila mag-ama gayung may pagkakahawig sila. Ngumiti sa akin si Alvin. Kinuha nya ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa at hinalikan ang likod 'nun. Di ko pa nasasabi sa kanya ang nalaman ko. Ang kundisyon ko sa mga oras na to. Nung

