XENA POV Nagising ako dahil sa maliit na labing humahalik-halik sa pisngi ko. Nang magdilat ako ng mata, nabungaran ko si Calvin na may ngiti sa labi. "Good morning mommy Xena." Ang sarap sa pakiramdam na may batang bumabati sa'yo tuwing umaga. Ganito lagi ang morning routine ko. Si calvin ang syang gumigising sa akin. Naging maayos ang isang buwan na paininirahan namin dito. Masaya ako dahil nagkaayos na kami ng bata. Humingi sya sa akin ng sorry dahil sa inasal nya. Agad ko syang pinatawad dahil hindi ko kayang magalit sa cute na batang ito. Sana ako na lang ang mommy nya.. "Mommy, nagluto ng breakfast si daddy kaya bangon ka na." I nod and smiled. Inayos ko muna ang sarili tyaka kami sabay na nagpunta sa kitchen. "Nandyan na pala kayo let's eat." Aya ni Alvin sa amin. Nagkan

