XENA POV Matalim ang tingin sa akin ni Calvin. Tumigil na din sya sa pag-iyak nang puntahan namin sya. Di ko nga akalain na kasama namin sya dito ni Alvin. Mukhang pinaghandaan talaga ng lalaki ang pagdala sa akin dito. Kasalukuyang nagluluto ng breakfast si Alvin. May ngiti sa labing nilagay nya sa plato ang nilutong pancake para sa amin. Nilapag nya sa table ang mga niluto nya. Magkatabi ang mag-ama. Habang nakaharap ako sa kanila. Inasikaso ni alvin ang anak nya. Nilagyan ako ng fried rice ni alvin. Magpasalamat ako sa kanya at tahimik na kumakain. Nang matapos kami, pinapunta ni alvin ang bata sa salas. Naiwan kaming dalawa sa kitchen. Ako na ang naghugas ng pinggan. "Hanggang kailan tayo dito? Gusto ko ng umuwi alvin." Naglalambing na niyakap nya ako. "I already told you, dit

