MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ Grabe, hindi ko alam kung saan ko pa ilalagay ang saya at ang excitement ko—grabe kasi talaga! Hindi ko naman kasi alam na sobrang laki ng pasabog nila Lady Maria at Selene, at iyong saya na nila na ibinibigay sa amin ang matagal na nilang sikreto, sobrang nakakasawa. Isama pa doon na sobrang proud talaga ako sa kanilang dalawa. Idagdag pa na iba talaga ang inspirasyon na makukuha mo kapag dalawang strong, independent women ang nagtulong para sa iisang goal. Sobrang hinahangaan ko na sila doon, lalong-lalo na siguro ngayon! Dumagdag pa sa akin na hindi ako makapaniwala dahil tinatawag ko sila ngayong mga “kaibigan” ko. Wala talaga ang Mistress Peitho’s Crib kung wala silang dalawa. “Now, we wouldn’t let this night all go down with all these sappy emotions, rig

