MAYUMI’S POINT OF VIEW ✦ Sa tingin ko, kung iisipin kong mabuti talaga, ang unang pagkakataon na nakita ko si Faith—ang nag-iisang ex-girlfriend ni Eos na kilala naming lahat lalo na sa kompanya—ay noong nag-away sila. Oo, sa lahat talaga ng pagkakataon na mami-meet ko ang noong kasalukuyang girlfriend ng isa sa mga big boss namin, iyon pang panahon na galit siya. Nasa kalagitnaan kami noon isang emergency meeting para sa mga talents namin na sasali sa isang survival show. Mabentang-mabenta noon sa mga manonood na makita ang mga paborito nilang artista na mamuhay ng simple lang, kaya naman kahit hindi masyadong gusto nila Selene ang mga ganoon dahil malaki ang risks sa mga talents namin, napilit na rin naman siya sa haba ng presentation ng proposal namin. Dumating si Faith noon na gali

