Kung meron mang mga salitang kailangan na sabihin si Yumi, hindi niya maisip kung ano man ang mga salitang iyon o kung kailan niya ba dapat sabihin. Masyado siyang kinakain ng mga impormasyong ibinigay sa kanya ni Adam at hindi niya alam kung kailan kakalma ang puso niya. “I know, with everything that I just said, your connection with all this bullshit is still unclear, Miss Yumi.” Totoo iyon. Sa katunayan, iyon ang isang nagpapahilo sa kanya. Hindi niya gusto ang nangyari sa binata at kahit kailan, kung kaya lang niya, gagawin niya ang lahat para hindi ito maranasan ng kahit sino—pero hindi pa rin niya maikonekta kung paano siya napasok sa sa eksena. Wala siya sa seminar na iyon. Wala na silang communication matapos pumirma ng binata sa ibang kompanya. Kahit minsan ay hindi na rin nag-

