“Miss Yumi, genuine question, hindi po ba mahirap ang trabaho niyo? Kanina pa kasi ako naku-curious kung paano kayo nagsimula dito.” Ngumiti si Mayumi sa tanong ni Adam—ang freelance model na na-assign sa kanya. Tumango siya at umiling kaya pareho silang natawa sa sagot niya. “Oo at hindi. Depende siguro talaga…” Noong una, alam ni Yumi na suntok sa buwan ang gagawin niyang pag-a-apply sa malaking kompanya gaya nitong Aitana Entertainment. Fresh graduate lang siya noong nag-apply siya at kulang ang sabihin na ginawa siyang katatawanan noon ng mga kapitbahay nila sa dati nilang lugar kung saan sila nakatira. Mula pa lang doon, wala ng madali sa pinasok niya. Wala na ngang kasiguraduhan kung matatanggap siya, maging sa ibang pinag-apply-an niya ay wala siyang marinig na kahit anong balita

