Crossroads AiTenshi Part 40 "Hindi Lex, tayong dalawa ang haharap sa kanila. Miyong paki usap, ilayo mo sila mama dito," ang sagot ni Ram. "Tsk! O siya, ako na bahala kina Gillan at Tita, basta kung di niyo kaya at tumawag kayo agad sa akin," wika ni Miyong Inihagis ko sa kanya ang susi ng aking bullet proof na sasakyan. "May daan doon sa likod, isilent mode mo yung makina ng sasakyan para walang makaramdam ng pag alis niyo. Mula dito sa likod, diretso lang at makakalusot kayo sa bahay. Kilos na," ang utos ko. "Copy boss, mag ingat kayong dalawa dito," nag aapurang wika ni Miyong samantalang kami naman ni Ram ay nag handa para sa isang gabi ng labanan. "Anak ano bang nangyayari?" tanong ni mama sa akin noong lumabas ito sa kanyang silid. "Ma, may mga bounty hunter harap ng tarangkah