Crossroads AiTenshi Part 39 "Grabe, yung ginawa ng Kappa Royale ay nag iwan ng matinding pinsala sa sentro," ang bungad ni Miyong noong pumasok ako sa gusali ng sigma. "Anong pinsala? Masyado yata akong masaya kagabi kaya hindi ko na alam ang latest," tanong ko naman. "Pinasabog nila yung tatlong grocery story at dalawang bar last night. Nasa Ilocos ka kasi kaya hindi mo alam ang latest. Basta namataan itong Edwin Go. Kaaway pala niya itong mga may ari establishments na sumabog," sagot ni Miyong. "Aba, gago hano? Terrorism na yung ginagawa ng Organisasyon nila," tugon ko naman. "Ano pa bang aasahan mo kay Edwin Go? Malaking negosyante, protektado pa ng mga security kaya di sumasabit. Yung mga bounty hunter na siya ang target ay hindi rin naman umuubra," sagot ni Miyong "Kung gayon a