Crossroads AiTenshi Part 38 Alas 9 ng gabi noong makauwi kami sa bahay nila mama at siyempre kinatuwa nila ni Gillian ang pag dating ko at Ram sa bahay lalo't hindi inaasahan ng bata na kami ay parating. Ang akala daw ni mama ay hindi na niya makikita pa si Ram dahil matagal na itong hindi dumadalaw sa kanila kaya ibayong saya ang kanyang naramdaman noog makita ang binata. "Yey! Kuya Ram, war ba kayo ni Kuya Lex kaya di kana ang pupunta diba? Hindi mo na ba siya love?" ang bibong tanong ng bata dahilan para matawa si Ram. "Hindi naman kami war ng kuya Lex mo, umuwi lang ako sa amin doon sa malayong lugar. Saka syempre love ko kayo. Namiss mo ba ako?" tanong ni Ram kay Gillian sabay buhat dito. "Aww, bigat na ng baby ko. Bigboy kana pala ah," dagdag ni Ram. "Kumain na ba kayong dalawa?"