Crossroads AiTenshi Part 37 Kapwa kami ni Ram nakatanaw sa kalayuan habang umiihip ang malamig na hangin sa aming mga mukha. Halos hindi ko alam na ganoon kahirap ang pinag daanan niya nito nakakaraang mga linggo. Ibayong awa ang nararamdaman ko sa para sa kanya at sa kabilang banda naman ay nakakaramdam ako ng matinding pag kaguilty dahil sa ginawa kong pag tataboy kay Ram. At pakiramdam ko ay kasalanan kong lahat kung bakit naging miserable ang buhay niya. "Nahirapan ka ba? Yung mga pasa mo iyan? Pinahirapan ka ba nila?" tanong ko sa kanya na may halong pag aalala at lungkot. Kanina noong nag talik kami sa loob ng lumang silid ay hindi ko ito napansin dahil madilim doon. Ngayong maliwanag ay kitang kita ko na ito at mas lalo pa akong nahabag. "Hindi naman, sanay ako sa sakit. Buhay p