Crossroads AiTenshi Part 51 Lumipas ang ilan pang mga linggo, ganoon pa rin ang kalagayan ni Ram, bagamat hindi ako lumilisan sa kanyang tabi, pinapakita ko pa rin sa kanya na hindi ako nawawalan ng pag asa na gagaling siya at muli itong babangon mula sa matagal na pag kakaratay. Lumalakas ang loob namin lalo na kapag may pag kakataong nag reresponse ang kanyang mga daliri, kung minsan ay umiiyak ito o kung minsan ay talagang wala. Ang sabi ng doktor ay magandang sign ang nangyayari sa kanya bagamat kinakailangan pa rin ang 100% observation sa kanyang kalagayan. Samantalang sa parte ko naman, habang tumatagal ay pasakit ito ng pasakit, parang mas lalo pang dinudurog ang aking puso. "Tol kumusta si Ram?" ang tanong ni Miyong habang papasok ito ng silid na may dalang maraming pag kain. M