Crossroads AiTenshi Part 50 "Hinde! RAM!" ang sigaw ko habang nag kakadarapa sa pag punta sa kanyang kinalalagyan. Nag kagulo ang mga tao sa paligid at noong mga sandaling iyon ay wala akong ibang marinig kundi ang aking hingal at ang malakas na kabog ng aking puso. Doon ay nakita ko ang Leader ng kappa royale, may hawak na itong baril at siya mismo ang tumira kay Ram. Kaya naman mabilis akong tumayo at hinabol ko ito ng baril dahilan para lalong mag kagulo mga tao sa paligid. Takbong walang humpay at pakikipag palitan ng putok ang aking ginawa, hanggang sa tuluyan kong maabutan ang grupo ng Kappa at inisa-isa ko itong barilin kadamay na rito si Edwin Go, hindi ko alam kung napuruhan ko ang mga ito pero wala na akong paki alam sa kanila dahil kritikal ang lagay ni Ram. "Lex! Bumalik