Crossroads AiTenshi Part 49 Buong araw kong binatayan ang pinuno ng Kappa Royale, pinipilit kong alamin kung ano bang kasalanan ni Ram sa kanila at kung bakit pati si papa ay dinukot nila. Ngunit sa tuwing mag tatanong ako ay puro kabalbalan ang isinasagot nito kaya naman wala akong nagagawa kundi upakan ito at turuan ng leksyon upang mag sabi ng totoo "Anong kasalanan ni Papa? Bakit pati siya ay ipinadukot nyo?" "Putang ina mo wala kang makukuha sa akin!" ang sigaw nito sabay bigkas sa katagang "BAKLA!" Uupakan sana ulit ito nang bigla akong pigilan ni Miyong. "Tama na tol, masyado kanang nagiging marahas! Huwag mo nalang siyang pakinggan, ang mahalaga ay maibalik si Ram." "Wala akong paki alam, napipikon na ko sa isang iyan!" Nasa ganoong pag uusap kami ni Miyong ng bigla nanaman