Crossroads AiTenshi Part 25 Patuloy ako sa pag ddrive. "Lex nasaan kana?" tanong ni Ram. "Nandito malapit na sa St. John tunnel. Doon ako patungo." ang sagot ko naman at habang nasa ganoong posisyon ako biglang sumabog ang likuran ng aking kotse. Batid kong gumamit sila ng bazooka type weapon dahilan para mabutas ang aking gulong at mawala ako sa control. Nag paikot ikot ang aking sasakyan at bumangga ako sa isang malaking puno sa harapan. Naging maingay ang linya sa kabila "Lex! Ano na ang nangyari? Lex!" ang pag tawag ni Ram. Unti unting lumabo ang signal at maya maya bigla itong namatay. Tumahimik sa buong paligid.. Noong imulat ko ang aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili na nakasubsob sa manibela ng aking sasakyan. Mabuti nalang at naka seatbelt ako, kahit papaano ay hin