Crossroads
AiTenshi
Part 8
"So seryoso ka talaga sa pag babalik mo sa pag aaral? Hindi kaya't masyado ka nang old para mag college?" tanong ni Jia habang naka palupot ito sa akin na parang sawa.
Itinigil ko ang pag lamas ko sa kanyang dibdib at inalis ang aking t**i sa kanyang pag kakahawak. "22 palang ako, hindi pa ako ganoon katanda para sumuko sa pag aaral. May iba nga dyan 50 years old na pumapasok pa rin para tuparin ang dreams nila." ang sagot ko sabay taas sa aking short at lumayo ako sa kanya dahil nakaramdam ako ng pag kainis. "Teka Lex saan ka pupunta?" pag habol niya.
"Hahanap ng matinong kausap na susuporta sa akin sa mga plano ko." ang sagot ko naman. "Shet ka naman binitin mo ko!" sigaw niya.
"Edi mga finger ka para makaraos ka." ang sagot ko sabay labas sa silid.
Sa lobby ay nakita ko sila Miyong na nag iinuman, agad akong tumabi sa kanila para makisaya. "O nasaan si Jia?" ang tanong niya.
"Ayan, mainit ang ulo." ang wika ko sabay tagay. Dumaan naman si Jia sa aking likod at saka ako hinampas. "Dyan ka na nga! Tuparin mo ang gusto mong maging estudyante blues! Baduy mo!" ang wika niya na hindi maitago ang pag kainis.
Tawanan sila..
Hindi ko naman pinansin si Jia..
"Mukhang nabitin mo si Jia ah." tanong ni Miyong.
"Oo, hanggang lamas lang inabot. Nabradtrip ako, sukdulan ba namang sabihin na matanda na ako para mag aral ng kolehiyo. Sa tuwing sasabihin ko sa kanya ang plano kong iyon ay pinag tatawanan niya at sinabing huwag ko na daw ituloy. Hindi ko naman alam na seryoso pala ang gago sa mga bagay na tinuturan niya." ang sagot ko sabay lagok ulit ng alak.
"Iyan ang hirap sa mga babae pare, kapag nalalaman nilang hindi na sila ang magiging priority nating mga lalaki ay tiyak na kokontrahin kana niya. Gusto kasi nila sila lagi ang number one sa buhay natin. Ayaw na ayaw nilang nasasapawan sila ng ibang bagay. Siyempre kapag nag aral ka ay baka makakilala ka pa ng ibang chicks yung mas sariwa, yung mas bata, yung inosente ang dating. Sa maka tuwid kalakip na ng feelings nila ang pag dududa." ang wika ni Miyong.
"Pwes hindi ko gusto ang mga ganyang bagay. Kung di niya ako susuportahan sa gusto ko mas mabuti pang huwag ko na rin siyang suportahan sa mga luho niya." ang sagot ko naman.
Inakbayan ako ni Miyong. "Basta kami ni Boss, support kami sa lahat ng plans mo! Tingnan mo, inayos na namin yung mga kailangan mo, next week estudyante tayo ulit! Iyon nga lang half day lang kasi sa tanghali ay nandito tayo sa sigma. Pero 4th year ka naman na diba boss? Kaunting panahon nalang iyan!"
"Oo boss! Support kami sa iyo! Cheers!" ang wika nila.
Sabay sabay naming itinaas ang aming kamay hawak ang bote. "Cheers!" ang sagot ko rin..
Naka kasa ang aking pag babalik sa paaralan next week, iyon nga lang ay flexible ang aking schedule dahil halfday lang ito. Iyon rin ang kondisyon ni papa. Kung bakit? Iyon ay dahil tatanggap pa rin ako ng assigment sa sigma at hindi ko ito maaaring talikuran. Sa kabilang banda ay naeexcite naman ako dahil sa wakas ay mababago ang aking ambiance kahit na kalahating araw lang. Sa tingin ko ay malaking bagay na iyon. Mainam na ring makapag simula kaysa wala.
Lumipas ang ilang mga araw, sumapit na ang pasukan. At tulad nga ng aking plano, ito na ang hinihintay kong pag babago sa aking buhay. Atleast kahit papaano ay tataas ang tingin ko sa aking sarili dahil mapapasakan ng bagong kaalaman ang aking utak at hindi puro pambubugbog at kasabawan ang laman nito. Nakaka panibago lamang dahil bumata ang aking anyo noong nag suot ng uniporme, clean cut ang aking buhok at maigi kong itinago ang tatak ng sigma sa aking likuran.
Kagaya nga ng kasunduan, hindi ako pwede tumalikod sa sigma ngunit pwede ko naman itong itago. Simula ngayon kapag nasa loob ng paaralan ako ay si Alexis Mourgan ay isang ordinaryong mag aaral at hindi pinuno ng isang organisasyon. Iyan ang mariin kong bilin sa mga miyembro ng sigma na nag aaral din doon. Pwede akong lapitan at kamayan ng pasimple, pero bawal akong ituring na santo. Alam kong hindi nila ako susuwayin dahil alam nila kung paano ako magalit. Maraming makaka kilala sa akin, pero mainam pang huwag akong maging OA sa pag kilos kaswal lang at maging mabait sa lahat.
Malakas ang tugtog ng rock song sa aking sasakyan. Sinasabayan ko pa ito habang nag ddrive patungo sa campus. "If I lay here, If I just lay here.. Would you lie with me and just forget the world? I don't quite know how to say.. how I feel.." ang pag awit ko habang sumisipol pa. Noong marating ko ang gate ng campus ay agad akong nag park sa loob nito.
Huminga ako ng malalim, excited ako at masaya ang aking puso. Hindi ko ito maitatanggi. Pag baba ko palang ng aking sasakyan ay nag tinginan na agad sa akin ang mag estudyante ng campus. Hindi naman sa pag mamayabang pero maraming nagsasabi gwapo talaga ako. Kahawig na kahawig ko ang artistang si Kristoffer Martin na taga Gma7 yata iyon. Kung minsan pag nag lalakad nga ako sa mall ay napapagkamalang ako siya. Bagamat ay pag kakataon na hindi ko naman ito pinaniniwalaan.
Hindi ko maipaliwanag ang aking excitement noong mga oras na iyon. Nakakatuwang isipin na dito ay mag kakaroon ako ng mga bagong kaibigan. Hindi padel o matigas na tubo ang hawak ko kundi isang notebook at ballpen.
Bago ako pumasok sa classroom ay pinatawag ako ng head ng campus na si Mr. Benjun Palestin. Siya ay dating member ng sigma bago pa ako dumating. Hindi kami nag karoon ng pag kakataong mag kita o mag kasama man lang, dahil noong nag resign ito ay dalawang bagong leader pa ang naupo bago ako dumating sa sigma. Nakita ko ang larawan ni Mr.Benjun kanina, mas matanda ito kay papa at medyo puti na rin ang buhok. Noong buksan ko kanyang opisina ay laking gulat ko noong may dart na sumibat sa aking harapan pero agad ko itong sinalo, hindi pa ako nakakarecover ay tatlong dart pa ulit ang muling lumipad pasibat sa aking kinalalagyan, kaya naman humawak ako sa gilid ng sofa at nag thumbling para maiwas sa mga ito.
Ang pinaka huling dart at sinapo gamit ang aking bibig..
"Mukha hindi ito magandang pang welcome Mr. Benjun." ang bungad noong makita ko itong nakaupo sa kanyang silya, nakataas ang paa sa table hawak ang kanyang dart.
Natawa siya. "Sinusubukan ko lang kung gaano kaalerto ang bagong pinuno ng sigma. Ang sinasabing tagapag mana ni Lolo Giyen. Mukhang may alerto ka naman hijo at halatang may ibibuga." ang wika niya habang naka ngiti.
"Salamat Mr. Benjun, alam mo sabi nila na ang batch niyo daw ang pinaka malinis mag trabaho sa lahat."
"Tama iyon, ngunit sa kasamaang palad ay napatay ang aming leader. Lumaki ang bilang ng mga bounty hunter Alexis. Sila ay isang pribadong organisasyon na nag huhunt ng mga hired killer at mga assassins. Tiyak kong ngayon ay nasa listahan kana rin nila. Karaniwan ang mga target nila ay ang mga leader ng sigma o ng kappa. O kahit na ano pang organisasyon na ang hidden agenda ay mag offer ng assassination service."
"Kung ganoon ay nasa panganib rin ang buhay ko? Si Lolo Giyen, pinatay siya ng mga bounty noon." ang wika ko naman.
"Oo hijo, at ngayon ay mas pinarami pa ang miyembro ng mga bounty."
"Saan sila nag tatago?" tanong ko
"Kung saan saan lang, kung minsan ay mga bounty hunter ay mga freelance. At mayroon silang sariling agenda sa buhay. Basta ang masasabi ko lang sa iyo hijo ay mag iingat ka." ang wika niya at dito ay tumingin siya sa kanyang orasan. "Sige na, mag report kana s professor mo. Dont worry ang prof mo sa mga subjects ay dating mga taga sigma rin. Kilala kana nila kaya't sa tingin ko ay matutuwa silang makita ka."
"Salamat Mr. Benjun. Mag kwentuhan ulit tayo sa iba pang pag kakataon." ang wika ko sabay kamay sa kanya.
Nag simula ang aking ordinaryong araw sa loob ng campus. Ang aking mga prof ay mababait naman bagamat ramdam ko na espesyal ako dahil alam nilang leader ako ng sigma. Natutuwa silang makipag kwentuhan sa akin tungkol sa mga karanasan nila noon. Ang karahiman sa mga guro ko ay nasa rank 15 at 20 sa org. At ang ilan sa kanila ay sa mga charity works lang nakakasama at sa mga simpleng assignments.
Maayos naman ang unang araw ng buhay mag aaral ko. Iyon nga lang halos lagi akong binibisita ng mga myembro ng sigma sa silid namin. "Tinitiyak lang daw nila na maayos at komportable ako kagaya ng bilin ng aking ama". Talagang hanggang dito sa loob ng campus ay gwardiyado nila ako at iyon ang nag papahirap sa akin ng husto. Kaya kung minsan ay nagagalit ako kaya ay nag giging pasaway na wawala sa aking tabi. Dito sa campus gusto ko ng matinong buhay yung malayo sa buhay ko doon sa sigma. Kahit ilang oras lang, sana ay ibigay nila sa akin iyon.
Alas 5 ng hapon noong mag pasya akong umuwi at mula sa parking lot ay may narinig akong umiiyak na batang lalaki sa gawi doon. Kaya naman agad akong punta at tahimik na ikinubli ang aking katawan sa pader. Doon ay nakita ko ang isang batang naka suot ng pang freshman na uniporme at naka salampak ito sa lupa habang may apat na lalaki ang naka pa ikot rito. Kung di ako nag kakamali ay binubully nila ang bata. Tila wala yata silang mapag katuwaan kaya't pati ang walang kalaban laban ay talagang pinag ttripan.
Tahimik..
Patuloy sila sa pag tatawa at sa pag sipa sa bata hanggang sa maya maya ay may isang lalaki ang sumulpot dito, maputi ito at mukhang anak mayaman, mukha siyang intsik at matangkad din kagaya ko. Sa aking paningin ay kahawig niya yung artistang si Luke Conde na madalas quest namin sa mga charity events. Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang mag pakabayani ganoon kung gayon para hindi naman siya basag ulo. Ang ibig kong sabihin ay masyado siyang good looking para basagin ang kanyang mukha.
Pinag masdan kong mabuti ang susunod na pang yayari. "Pre, wag na. Kawawa yung bata" ang wika nung lalaking kadarating palang. Kalmado lang itong nakikiusap.
"Bakit naman kami maaawa? Hindi mo ba ako kilala? Ako ang Leader ng Alpha Sigma Victum alam mo ba iyon?!" sabi nito sabay pakita ng pekeng tattoo sa kanyang braso. Bagamat hindi naman sa braso ang marka kundi sa dibdib at may maliit pa sa likuran.
"Tsk tsk, abat ang loko, nag papanggap na leader ng sigma. Ginagamit nya ang pangalang ng aming samahan para makapang api at makapangikil sa ibang tao!" Siguro ay marami ang gumagawa nito sa iba't ibang campus, hindu lamang dito!" sigaw ko sa aking sarili na nakaramdam ng pag kainis.
Habang nasa ganoong pag iisip ako, namalayan ko nalang na nakikipag upakan na pala si "Luke Conde" look a like sa mga tarantadong manloloko. Isa laban sa lima? hindi yata patas iyon. Kaya naman lumabas ako at nakisuntok na rin. Mabilis kong inupakan ng sapak ang nag papanggap na leader nila at ilang sandali pa ay nakipag rayot na kami. Napansin kong magaling din pala sa suntukan ang isang ito. Dalawa ang kanyang kalaban ngunit magaling mag pumiglas. Hindi naman problema sa akin ang kalaban ko dahil dalawang suntok ko lang ay bulagta na ang ito. Wala ring nakatama sa akin ni isang kalaban. At napansin kong ganoon rin sa kanya. Malakas pa ito tumadyak at halos tumiturit sa malayong direksyon ng kalaban.
Pareho kaming dalawa na walang pawis, walang gasgas sa katawan. Parang wala lang.
Medyo napagod lang yata si Tisoy kaya napasalampak ito sa lupa katabi ng batang inaalalayan sa pag tayo. "Kapag inaapi ka ay lalaban ka. Hindi pwedeng puro iyak. Okay?" wika niya sabay gusot sa buhok ng bata.
"Salamat po mga kuya, salamat po." ang wika ng bata sabay takbo palayo.
Tahimik..
Matapos ang rayot ay inabot ko ang kamay ni tisot at tinulungan ko itong tumayo. Bagamat wala tinamong gasgas o pasa ay nagawa pa rin ngitian ang isat isa. Edi ayun nga 1st day ng eskwela ay sa office ang bagsak naming dalawa at bonus pa ang pinag kaguluhan kami ng mga babae sa campus. Ang iba sa kanila ay inaabutan pa kami ng panyo habang hawak ng guard ang aming mga braso. Ito ang normal na buhay, namiss ko ang ganitong pakiramdam! Yung maraming babaeng humahanga sayo, yung maraming nag papacute sa paligid!
Katakot takot na sermon at parangal ang iginawad sa amin ng guidance councilor noong makaharap namin ito. Pero sa halip na mainis ay natuwa pa ako dahil ito ang unang pag kakataon sa buhay ko na may nangaral sa akin pag katapos kong makipag bakbakan. Bata palang kasi ako ay hinahayaan na ko ni papa at lolo Giyen na makipag suntukan sa mga kalaro ko at pag nabubugbog ko na ang mga ito ay matutuwa siya. Konsintidor para daw lumaki akong isang mandirigmang barako.
"Tol salamat pala kanina" ang bungad ni Tisoy.
"Wala iyon. Naawa lang din ako sa bata kaya nakialam ako. Nauna kana kaya sumunod na rin ako." tugon ko.
"Ram Garcia nga pala." sabi nito sabay abot ng kanang kamay.
Ngumiti ako at nakipag kamay sa kanya. "Alexis Mourgan." ang tugon ko.
Matangkad si Ram ng ilang pulagada sa akin, at mas tisoy ito. Marahil ay dahil kanyang pinag halo halong lahing banyaga. Napag alaman ko rin na ka kurso ko pala sya at mag kaklase kami sa halos lahat ng mga subject.
Pero hindi ko naman ni nais na maging ka close itong si Ram dahil pangyayari na iyon na pareho kaming masasangkot sa gulo dito sa campus, iyon pa naman ang iniiwasan kong mangyari dahil gustong mag bagong buhay. Kaso nga lang mukhang unang araw palang ng eskwela ay rayot na agad ang nakasangkutan namin kabilang siya kayat iwas iwas din kung kinakailangan.
itutuloy..