Crossroads
AiTenshi
Part 7
Araw ng linggo, bumalik ako sa gusali ng sigma upang gawin ang aking trabaho. Madami akong nakatambak na charity works at syempre ang pag sala sa mga baguhan ay trabaho ko rin, hindi biro ang mag training tao para gawing isang mahusay na taga paslang lalo na yung mga mahihina ang loob, wala kang aasahan sa kanilang kundi ang gawing back up nalang sa mga operasyon. Halos bandang tanghali na ako noong nakarating sa aming barracks. At habang papasok ako sa opisina ni papa para kunin ang aking passbook, narinig kong kausap nito si mama at pinag tatalunan nila ang pag babalik ko sa eskwela.
Hindi ko akalain na seseryosohin ni mama ang balak niyang pag kausap kay papa katulad ng kanyang sinasabi noon. Sabay kami umalis kanina at sinabing kong dadaan lang ako sa aking kabarkada, wala naman akong ideya na dito pala siya mag tutungo. At batid kong nag kakainitan silang dalawa. "Wag mong ipag kait sa anak mo ang karapatan nyang mag aral" boses ni mama
"Look, hindi ko pinag kakait kay Alex yun! Pinayagan ko siyang mag aral ngunit hindi nya pwede i give up ang Sigma! We came this far! Wag kang makialam! Hawak ko si Alex ngayon at siya mismo ang nag desisyon na pumasok dito sa sigma, hindi mo siya maaaring gatungan na mag quit sa bagay na pinasukan niya.
Iyan ang hirap sa iyo Edmar! Makasarili ka kasi! Wala kang inisip kundi yang kapangyarihan mo!"
"Enough Theresa! Pinaubaya ko na sa iyo ang pag aalaga kay Gillian, kaya ipaubaya mo na sa akin si Alexis! Isa pa ay binata na ang anak mo. Naka tatlong taon na siyang leader ng Sigma. Matatag na yan at hindi na basta basta matitibag.
"Kaya nga Edmar! Hayaan mong gawin ni Alex ang gusto nya dahil tatlong taon na ring nag papakahirap yung bata." ang sagot ni mama na may kataasan ang beses. "Bata? Sanga sanga na ang bulbol niya sa ari, hindi na siya bata! Ang gusto ni Alex ay puro ka bobohan lang!" sagot ni papa.
"Alam niya ang makabubuti sa kanyang sarili kay't ang nais nya kaya pabayaan mo siya!
"NO! Ang makabubuti kay Lex ay manatili dito sa sigma at mga payaman ng husto!" ang bulyaw ni papa kaya dali dali akong pumasok sa kanyang opisina.
"Pa, Ma.. Tama na, wag na kayong mag talo.!" bungad ko
"Mabuti naman at dumating kana. Tawagin mo ang driver ng mama mo at sabihin na ihatid na sya pauwi." utos ni papa
"Pero pa.."
"Sige! Bumalik sa pag aaral Alex katulad ng gusto ninyong dalawa NGUNIT hindi ka maaaring tumalikod sa sigma. Doon kita pag aaralin sa malaking unibersidad sa lungsod, ang ibang myembro ng sigma ay doon din nag aaral. Mainam ito para mabantayan ka nila"
"Anong klaseng ama ka Edmar?! Bakit puro sarili mo lang ang iniisip mo, bakit walang ibang mahalaga sa iyo kundi itong sigma na ito."
"Tama na Theresa! My decisions are final. Sige na Alex iuwi mo na ang mama mo! Kung pupunta ka lang dito para pag initin ang ulo ay please lang huwag kana tumuloy. Doon ka nalang sa bahay at palakihin ng maayos si Gillian." utos ni papa.
"Curse you Edmar! Hindi ka tao!' ang galit na sigaw ni mama.."Ma, please humimahon ka. Tama na po." pag pigil ko naman.
Umiyak si mama at katakot takot na sampal ang inabot ni papa. Pero hindi naman lumaban si papa at hinayaan lang niya itong ilayo ko.
Noong mga oras na iyon, wala kaming nagawa ni mama kundi lisanin ang opisina ni papa. Hindi namin ito nagawang kumbinsihin na talikuran ko nalang at sigma at mamuhay ng normal. Mariin ang pag tutol ni papa kaya naman wala akong ibang pamimilian kundi gawin ang gusto nya. Habang nag ddrive ako ay walang ginawa si mama kundi ang mag labas ng sama ng loob sa akin, mga bagay na ayaw niya kay papa. "Noong nililigawan pa ako ng gagong ama mo mabait iyan at galante. Halos lahat ng luho ko ay ibinibigay niya. Hindi ko inaasahan na magiging isang demonyo iyang papa mo. Inanakan lang niya ako at noong mag laon ay bale wala na ako sa kanya. Kaya ikaw Alexis huwag mong tutularan iyang papa mo, kung sakaling mawala ako ay ikaw na ang bahala sa kapatid mo at huwag mo siyang hahayaang pumasok sa kung ano anong organization na iyan!" ang emosyonal na wika ni mama.
"Ma, huwag kana masyadong umiyak dahil baka mahigh blood ka pa. Madalas din ako nagagalit kay papa pero wala siyang paki alam doon. Ang mahalaga lang kay papa ay ang ambisyon niya. Wala nang iba pa. Hayaan nalang natin siya, nandito lang naman ako at hindi ko kayo pababayaan ni Gillian." ang wika ko naman.
Noong makauwi kami ng bahay, yakap yakap ko pa rin si mama dahil iyak ito ng iyak, alam kong nasaktan sya sa mga pinag sasabi ni papa sa kanyang harap kaya ganoon nalang siya kaemosyonal. Agad ko siyang iniupo sa sofa at kinuhanan ng tubig para kumalma. Habnag nasa ganoong posisyon kami ay dumating naman si Gillian na hindi maitago ang labis na pag tataka.
"Kuyaa bakit po umiiyak si mama?" tanong ni Gillian habang inuusisa ng inosenteng mukha nito ang pag iyak ng ina.
"May problema lang si mama, nood ka muna ng cartoons doon sa sala tapos mamaya laro tayo ng robot" pang uuto ko sa bata. Ayoko kasing matatak sa murang isipan nya ang pag tangis ni mama.
Makalipas ang ilang oras ay kumalma si mama at tumahan na ito sa kanyang pag iyak. Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko sa kanya bago ako mag desisyon na mag paalam. "Ma, wag kana umiyak. Babalik din ako agad, mayroong event yung sigma at kailangan namin mag handa. I love you ma." ang wika ko sabay halik sa kanyang pisngi.
"Mag ingat ka Alex." ang wika naman niya.
Agad din akong umalis ng bahay para mag handa sa aming charity work bukas sa ilang liblib na bayan dito sa lungsod. Umiiyak nga si Gillian dahil pilit itong sumasama sa akin kanina kaya hinintay ko pa itong makatulog bago ako maka alis. Cute na cute pa naman iyong kapatid ko na iyon, singkit ang mga mata at kulot ang buhok. Paniguradong marami babae ang paiiyakin noon pag nag binata. Iyon nga lang ay sobrang magulo, malaro at napaka kulit pero natural lang naman iyon sa bata.
"Tol, kanina ka pa hinihintay ng grupo, saan ka ba nag suot?" tanong ni Miyong habang nag ddrive.
"Dinalaw ko lang si mama at Gillian sa bahay. Mahabang istorya, saka ko nasasabihin." tugon ko.
"Nga pala boss naka handa na lahat. Doon tayo sasakay sa asul na kotse at ang iba naman ay naka convoy lang sa itim na van. Ako nalang ang driver mo" paliwanag ni Miyong
"Nasaan yung mga school supplies? Yung mga tsinelas ng mga bata? Mga libro? Nabili nyo ba?"
"Yes boss"
"Good, Lets go!"
Habang nasa daan, nasabi ko na kay Miyong ang balak kong pag babalik sa paaralan, alam na daw nila ito at ang totoo nun ay inaayos nila ang aking mga papel para sa enrolment, doon sa university na pinapasukan nila. "Oo boss, kaming bahala sayo, hindi nila malalaman na ikaw ang leader ng sigma. Mainam nga doon kana pumasok para mabantayan ka namin. Sa ngayon mayroon na tayong 50 myembro na nag aaral doon. At ilan sa mga prof doon ay alumni na ng sigma kaya safe tayo doon! At ang balita ko nga ilan din sa myembro ng Kappa Royale ay nandoon din. Mga gaya gayang grupo, akalain mo yun boss mayroon din silang mga tattoo sa parte ng kanilang katawan at may numero ito. Kagaya ng sayo 1 sa leader, 2 sa kanang kamay at pataas na bilang sa mga miyembro bilang designation ng ranking. Pero ang sabi nila ay ginaya daw nila ito sa anime na bleach. Mga Jologs talaga.!
"Meron din naman tayong ganoon ah? Paano ko ba itatago itong sa akin?" sabay pakita ng tattoo ng Sigma sa aking dibdib at may numero ito ng #1 na ang ibig sabihin ay Leader ng grupo. At hindi lang ito basta tatoo, dahil isa itong peklat na pinaso upang pumakat ng permanente sa balat ng isang miyembro. Ibig sabihin kahit na matanda kana ay naka tatak pa rin sa iyo ang ranggo mo sa sigma..
"Nakuu boss, wala tayong magagawa dyan, ingatan mo nalang para hindi ito makita, ako nga o, mayroon ding number 2. Kanang kamay mo ko diba? Vice captain to tol!" ang pag mamalaki nito.
"Ikaw kasi e, tinangihan mo ang maging leader dapat ikaw to e." wika ko.
"Noong malaman namin na descedant ni Lolo Giyen ang papasok at nalaman pa namin na anak ka ni Boss Edmar, hindi na ako pumalag. Pero tingnan mo naman mag kasundo tayong dalawa at para na tayong mag kapatid." ang wika ni Miyong.
Dahil medyo gabi na rin at inabutan pa kami ng malakas na ulan sa daan ay nag pasya kaming mag stay muna sa isang hotel para mag palipas ng gabi. Ito na ang aming relaxation dahil nag inuman kami at nag pakasakay buong mag damag hanggang sa kami ay makatulog ng patung patong sa silid.
KINABUKASAN..
Alas 10 ng umaga noong marating namin ang unang bayan na aming tutulungan, ang lahat ng sigma ay naka kalat sa ibat ibang lugar upang tumulong sa mga batang kapos sa pag aaral o yung mga walang pambili ng gamit sa eskwela, ito ang target namin ngayon dahil malapit na rin ang pasukan. At dahil nga ayaw namin ng sobrang publicity ay kami kami nalang mismo ang kumuha ng aming larawan para iupload sa aming social media account. Hindi na namin pinaalam sa mga tao na isa kaming organisasyon. Wala lang basta nandito lang kami para tumulong, wala nang ibang agenda.
Bagamat ang pag uupload ng larawan ng pag tulong ay isa paring publicity in a humble way ika nga, walang media, walang ingay basta ang lahat ay purong remembrance lang.
Iyon naman ang nagustuhan sa akin ng mga sponsorship namin, hindi ako ma publicity na tao at hindi katulad ng mga naunang leader sa akin na halos ilagay ang logo ng sigma sa bawat gamit na pinamimigay nila. "Lagi natin tatandaan na ang barya ay maingay, samantalang ang mga papel na pera ay tahimik lamang ngunit mataas ang halaga nito." ang wika ko sa aking mga kasamahan habang nag lalakad kami papasok sa sasakyan dala ang mga kahon na wala nang laman.
Ginugol namin ang buong mag hapon sa aming charity event. At pag dating ng gabi ay kapwa kami lupaypay. Ang ilang myembro ng sigma ay nag swimming nalang sa harap ng aming gusali at ako naman ay natulog nalang upang makabawi ng lakas. Ni hindi ko na nareplyan ang text ni papa na "Goodjob Son". Alam ko naman na basta gawaing may kinalaman sa sigma ay okay para sa kanya. Ngunit kapag wala naman ay abot hanggang langit ang pag kontra nito katulad nalang sa pag aaral ko.
Habang naka higa ako sa aking silid ay muli kong naalala yung kakaibang experience na ginawa sa akin noong nakaraang assignment. Halos ilang araw na iyon pero nararamdaman ko pa rin ang sikip ng pwet ni Juan na gumigiling sa aking t**i. Libog na libog naman ako at hinahanap ng aking pag kalalaki ang ganoong kadulas at kasikip na lagusan.
Hindi ko namalayan na nilalaro ko na pala ang aking sariling ari, nag tataas baba ang aking kamay sa kahabaan nito. Halos napapaungol sa sarap habang iniimagine ang sikip at sarap ng pag kantot sa ganoong posisyon. Hindi ko maunawaan nguni matindi ang aking libog, para akong nag hahanap ng kakaibang experience na hindi ko mahanap kay Jia. Pero alam ko naman na ang libog na ito ay panandalian lamang..
Ilang taas baba ay tumilamsik ang aking t***d sa aking tiyan, sa dami nito ay sumabog ang iba sa aking bulbol. Habang patuloy sa pag pintig ang aking ari ay bumukas ang pinto at pumasok si Miyong. "Boss eto na yung pass book mo. Daming deposit diyan." ang wika nito sabay tawa noong makita ang nag kalat na t***d sa aking tiyan. "s**o s**o yan boss ah, mukhang isang buwan kang di nag palabas." kaswal na bati nito.
"Abot mo nga yung tissue." simple ko ring tugon. Pinunasan ko ang aking katawan at ang aking ari na may t***d pa. "Si Misis Luan, nag deposit na ba? Kamusta siya?" tanong ko habang pinupunasan ang ulo ng aking ari.
"Hindi naman siya naging wanted, lumalabas na yung masahistang hindi kilala ang pumatay doon sa dalawang bakla. Umalis na si Misis Luan at bumalik sa China. 3million yung pumasok sa yo. Ang 1 million ay bonus." ang wika niya.
Kinuha ko ang passbook at ibinigay sa kanya. "Kunin mo yung 1 million sa iyo na iyon. Bigyan mo na rin ng bonus yung mga miyembro pati yung mga baguhan lahat sila ay tatanggap ng tig 10 thousand galing kamo sa akin bilang maagang pamasko."
"Wow, galante talaga ang boss ko." biro ni Miyong.
"Si papa lang naman ang kuripot at walang kwenta." ang sagot ko naman.
Tawanan kami..
Madalang mag bigay ng bonus si Sir Edmar lahat ay sa kanya lang napupunta. Siguro bilyonaryo na iyang tatay mo."
"Sigurado iyan. Pero higit pa sa kayamanan, kailangan kong mag tapos ng pag aaral para maging isang nurse o kaya ay guro para pag retire na ako sa sigma ay mayroon akong magandang propesyon at magiging proud sa akin si mama at si Gillian.
"Lahat ay proud sa iyo boss, at lahat ng miyembro ng sigma ay iniidolo ka. Pati ako. Idol!" ang wika ni Miyong.
Natawa ako. "Sira, hindi magiging matagumpay ang aking misyon kung wala ka doon kaya ibinibigay ko rin sa iyo ang credits. Naka ngiti kong sagot sabay tapik sa kanyang balikat.
"Basta boss, naka suporta lang ako sa iyo lagi. Pangako iyan." sagot niya.
"Salamat Miyong, isa kang tunay na kapatid." tugon ko habang naka ngiti.
Itutuloy..