"Sumagot ka! Gusto mo ba akong lasunin?!" mas galit pa ang tinig ni Rashee. Hindi na ito biro. Kung nagkataon ay namatay lang siya sa isang simpleng panlalason ng babaeng ito sa simpleng pagtitiwala niya rito. s**t! Sunod-sunod na iling naman ang ginawa ni Isel. Mangiyak-ngitak siya sa takot. Nakataas pa rin ang kanyang dalawang kamay. "Maniwala ka, bossing! Wala po akong balak na masama sa'yo! Ginalingan ko nga po ang pagluluto para sa'yo kahit hindi ako alam magluto! Nagpaturo pa ako sa kapatid ko!" Napasinghap sa hangin si Rashee. Ayun! Hindi pala marunong magluto. Kaya pala. "Sabi po ng kapatid ko special daw po 'yang adobo na 'yan, bossing. Siguro hindi mo lang gusto ang lasa kasi hindi ka sosyal." "Ah, gano'n! Pwes, tikman mo! At kainin mo lahat 'yan!" hamon ni Rashee sa nagmamag