Parang pipi si Isel sa bahay nina Rashee at Nicole. At para rin siyang robot dahil iilan ang nagagawa niyang kilos, kapag kakamot lang siya at lulunok. Kasi naman ay wagas kung makatingin sa kanya si Nicole, pailalim at ang talim, si Nicole na isa palang bata na inakala niya ay asawa ni Rashee pero kapatid pala ni Rashee. Kapatid na daig nga lang ang asawa kung umasta. Jusmeyo! Nasa'n si Rashee? Ayun! Naghuhugas ng pinggan sa may maliit na kusina. Sapagkat takot pala ang binata sa bata. Akala mo kung sinong maka Mr. Hired Killer sa labas pero dito sa loob ng maliit na tirahan nila ay daig pa alalay ng isang bata lamang. Kaloka itech. "Nicole, pwede ba tantanan mo na si Isel?" "Kuya, maghugas ka lang ng pinggan diyan! Mind your own business!" pagtataray at mas pinataas ang alukipkip na