"Uminom ka muna." Inibot ni Rashee sa isang baso ng tubig kay Isel. Nanginginig pa rin si Isel na kinuha iyon at sumimsim. Kanina grabe ang takot niya. Akala niya matitigok na siya ng lalaki. "Nakita ba niya ang mukha mo?" seryosong tanong sa kanya ni Rashee nang medyo umayos siya. Natatakot pa rin ang hitsura niya na tumingin sa binata. "O-oo yata." Dahan-dahang napapikit ng mata si Rashee, napabuntong-hininga at napahimas sa panga. Sa isip nito'y, kung gano'n ay nanganganib na ang buhay ni Isel. Dahil malakas ang kutob ni Rashee na siya ang target ng mga lalaking nakalaban nito kanina. Malamang ay hinahanap siya. At malamang may nagbayad sa mga lalaking iyon para patayin siya o hulihin siya. "Sino ba ang mga iyon? Akala ko ikaw lang ang hired killer? Ang dami mo pa lang kasama?" nai