PART 17

1733 Words

"Salamat sa pakain, bossing," kiming pasasalamat ni Isel kay Mr. Hired Killer nang nasa bahay na sila. Busog-lusog siya, eh. Amen! Ang sarap pala kasi talaga ng pagkain sa mamahaling restaurant kaya napadami ang kain niya kanina. Ngayon lang siya nakatikim ng mga ganoong pagkain. 'Pag may pera kasi sila ay masarap na ang Mcdo o Jollibee lang 'pag kakain sila sa labas. Pero malayong mas masarap pala ang pagkain sa mga restaurant. Ang swerte ng mga mamayaman. Kakainggit. Subalit wala man lang naging tugon ni Rashee. Dumiretso siya sa sofa at humilata. Tapos ay natulog na. Napalatak na lamang si Isel. Lihim na tinirikan niya ito ng mata at sinimangutan. Akala niya okay na sila, eh. Hindi pa rin pala. Ay naku! "Hmmmpp!" lihim niya itong tinarayan pero anong gulat niya nang biglang bumangon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD