Sa f*******: na lang umasa si Isel. Doon siya naghagilap ng recipe para sa lulutuing pagkain ni Mr. Hired Killer. Buti na lang at alam niya ang page na 'Mga Lutong Bahay'. Wala na kasi siyang tiwala sa kapatid niyang si Chai dahil baka manguya na niya iyon ng buhay kapag pinag-trip-an na naman siya. At habang niluluto niya ang tinola ay pangiti-ngiti siya. Kasi naman parang feeling niya ay may asawa siyang pinagsisilbihan ngayon. Asawa nga lang na mamatay tao. Ngyaakkksss! Pinilig niya ang ulo. Ano ba kasing pinag-iisip niya? Kaloka! Hinding-hindi niya magiging asawa 'yon, noh. Kahit guwapo pa. Never na magpapatali siya sa isang mamamatay tao. Baka siya pa mapatay ng kanyang Tatay kapag nalaman ng mga ito na Hired Killer ang kanyang mister. Kinilabutang-kinilig siya sa naisip na iyon.