"Pa'no napunta sa'yo 'yan?!" Akmang aagawin ni Rashee ang kutsilyo niya kay Jaime. "Oooppp!" Subalit mabilis iyong patalikod na ibinato ni Jaime sa kahoy na hamba ng pintuan. Sumaksak ang kutsilyo roon. Naniningkit ang mga mata ni Rashee na napatingin sa kapwa binata. Ngumisi naman si Jaime. "Hindi mo na siya pwedeng angkinin dahil isang tao ang nagpapa-imbestiga sa akin niyan." Napaisip si Rashee. "Naku naman," saka napangiwi niyang sambit at napalatak nang maisip na 'yong babae na humahanting sa kanya ang nagpapa-imbestiga sa kanya. Matuso at matalino rin pala ang babaeng iyon. Mukhang minaliit niya ang babaeng iyon, ah. Kampanteng umupo si Jaime sa luma nilang upuan. "Magpasalamat ka dahil tyempong sa akin humingi ng tulong ang babaeng iyon dahil kakilala niya ako. Sa mga finger pr