Ang haba ng nguso ni Isel na pumasok sa bahay ng tita niya. Kasi naman sayang ang outfit niyang pang-gangster. Tatawag lang pala ang gagawin niya. Akala pa naman niya may labanan na magaganap. Pft! "Ay, kalabaw!" gulat na gulat siya nang buksan niya ang maindoor ng bahay dahil may nauna nang nagbukas niyon mula sa loob. Muntik na siyang mapasubsob dahil nahila siya. At si Rashee pala ang nagbukas. "Pasok!" seryoso nitong sabi. Napapakunot-noo si Isel. Ang bilis naman nito? Naunahan pa siya? Lumipas ba siya? Wala silang imikan na tinungo ang sala. "Bihis lang ako," alinlangang aniya. Kasi naiinitan na siya sa suot niyang puros itim. Kulang na lang sungay. Walang naging tugon si Rashee na nakaupo sa couch. Kaya naisip ni Isel na okay lang. Nagmadali na siyang pumasok sa silid niya. At