NAKABIHIS na si Kristen ng kaniyang uniform at sukbit na ang kaniyang bag nang pagbukas niya ng pinto para lumabas na ay nagulat na lang siya nang bumungad sa kaniya si Callum na nakatayo at suot na rin ang uniform nito. “Good morning!” he greeted her with a bright smile. “Good morning too,” she greeted back with a warm smile. “Kanina ka pa ba riyan?” “Mga five minutes pa lang naman.” “Oh, ba't ka hindi nag-doorbell?” “Kasi alam kong nagbibihis ka pa.” Natawa na lang si Kristen. “Alright, let's go.” Hinawakan na siya ni Callum sa kamay at lumabas na sila ng building, dumiretso sa parking lot kung saan naroon ang sports car nito. Pagdating sa university ay naunang bumaba si Callum at pinagbuksan siya nito ng pinto. Ngunit nang makita sila ng mga estudyante ay agad na nagsikuhan at