ISANG sexy black bodycon mini dress lang ang napiling isuot ni Kristen at pinarisan niya lang ng kaniyang white sneakers. Naka-black din ang suot ni Callum na simple lang din pero neat; black knitted short-sleeved polo shirt, white pants, and sneakers lang din. Sakay ng blue McLaren ni Callum ay umalis sila ng apartment at pumunta na sa sinasabi nitong restaurant. Ang inaasahan ni Kristen ay normal na dinner date lang. Pero pagdating nila ng restaurant ay literal na date talaga, special dinner date, dahil wala ni isang customer sa loob ng restaurant at napaka-romantic din ng setup sa loob, isang ciry table lang ang naroon with romantic candlelight lang ang tanging ilaw. “Callum, akala ko kakain lang tayo. Hindi mo naman sinabi na ganito pala,” puna na lang ni Kristen nang ipaghila na si