NAKABALIK na sina Kristen at Callum sa L'Meglio Homes dahil pumayag na raw mag-sorry si Mrs. Geneva, kaya naman bumalik na agad sila apartment para roon na lang ito papuntahin. Ngayon ay kasalukuyan nang nakababad si Kristen sa kaniyang bathtub para i-relax ang kaniyang sarili. Hindi niya pa rin mapigilan ang mapangiti tuwing naaalala ang pag-amin niya kanina kay Callum. Akala niya ay pandidirihan na siya nito at lalayuan na, ngunit hindi niya inaasahan na yayakapin siya at dadamayan pa. Lahat tuloy ng lungkot na naramdaman niya ay naglaho bigla at napalitan lahat ng saya. Pakiramdam niya ay ang suwerte niya, dahil mabait naman pala ang ama ni Callum, malayo sa inaasahan niya. Lubos siyang hindi makapaniwala. Hindi niya maipaliwanag ang saya. Pero tuwing naaalala naman niya ang pangyayari