UMAGA na, payapang katahimikan ang namayani sa dining area habang nagbe-breakfast silang tatlo, si Kristen, Callum, at ang ama nitong si Ralph. Suot pa rin ni Kristen ang kaniyang gown, pero si Callum ay nakabihis na. Pinahiram naman siya nito ng damit kagabi, pero umayaw siya dahil nahihiya siya, baka kasi kung ano pa ang isipin ng ama nito kapag nakita siyang suot ang damit ng anak. Ngayon ay tamang higop lang si Kristen ng kaniyang kape at kain ng tinapay, habang nanatiling ang tingin sa ibabaw ng table. Naiilang siya na medyo nahihiya, at may konting kaba rin. Nakaupo naman sa kaniyang tabi si Callum na nilagyan pa ng palaman ang kaniyang tinapay bago binigay sa kaniya. Tahimik lang din si Ralph na kunwari ay humihigop lang ng kape habang may binabasang article sa hawak na tablet, p