UMUWI sa kanilang mansyon si Cadmus na inis na inis dahil walang nagawa para makahabol kay Kristen; may yate naman ang kaniyang ama, pero nasa kabilang marina pa at hindi niya alam kung paano patakbuhin. Kaya naman ang nangyari ay umuwi siyang bigo at inis na inis habang panay ang pagmumura nang paulit-ulit sa pangalan ni Callum. Habang si Cedric naman ay galit na galit din at halos dalawang oras pa ang hinintay sa marina sa pag-asang babalik agad sina Kristen at Callum, pero oras na ang lumipas ay hindi na nakabalik pa ang mga ito. Halos magwala si Cedric sa loob ng kaniyang kotse na malakas na pinaghahampas ang manibela. Sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya paalis ng marina ay nakabangga pa ng aso na tumawid sa highway, at imbes na umuwi ay mas piniling huminto sa isang nightclub at na