UMALIS muli si Cedric ng mansyon matapos pakainin ang asawang si Kristen ng mangga. Pero tulad ng inaasahan ni Cedric ay sarado na nga ang market, kaya naman mula sa Tagaytay ay bumiyahe pa siya patungong San Jose Batangas kung saan naroon ang farm ng kaniyang pamilya, at pagdating sa farm, kahit hatinggabi na ay pinagising niya pa ang mga trabahador para lang magpakatay ng isang baka at kunin ang atay. Madaling araw na bago siya nakabiyahe pakabalik sa beach resort sa Tagaytay at dala na niya ang atay ng baka. Pero nawala naman ang antok niya dahil sa tanong sa kaniya ng trabahador na inutusan niyang magkatay ng baka. Parang paulit-ulit na nag-play sa utak niya ang tanong nito kung bakit siya naghahanap ng atay ng baka kahit hatinggabi na. Nagulat siya sa tanong nito at nasurpresa nang m