PASADO alas onse na nang makauwi sila mula sa kanilang bakasyon sa Tagaytay pabalik sa mansyon sa Mandaluyong. Ilang minuto lang nagpahinga si Kristen at umalis din siya agad para pumasok sa ospital dahil kailangan niyang asikasuhin ang pasyente na pina-cancel niya kahapon. Sa pag-alis niya ng mansyon ay kasama niya muli ang dalawang bodyguard na nakasunod sa kaniyang hulihan sakay ang sasakyan ng mga ito. Pero bago siya dumiretso ng ospital ay dumaan muna siya sa isang boutique at bumili ng pregnancy test. Pasado ala una na nang makarating siya ng ospital, at pagdating na pagdating niya pa lang ay dumiretso na siya agad sa cubicle ng kaniyang office at ginamit ang pregnancy test. Nang makita ang resulta ay bigla siyang napahinto at napatitig sa PT. Lumakas ang kabog ng dibdib niya at h