Napahinto bigla si Kristen sa narinig at agad na napalingon kay Cadmus. “Pina-DNA test ko ang kambal, at positive ang lumabas. Ako ang kanilang tunay na ama, hindi ang lalaking ’yan! Niloloko ka lang niyan, Kristen!” ulit nito na ngayon ay nakangiwi nang tumayo mula sa pagkakaluhod sa matigas na semento. “No, don't listen to him!” sigaw naman ni Cedric sa kaniya at muli siyang hinila para dalhin na papasok ng gate, pero malakas na niyang inagaw ang braso niya mula sa pagkakahawak nito. Naguluhan na siya at napatingin na sa mga punit na papel sa semento na ngayon unti-unti nang pinalis ng hangin. Hindi na niya hinayaan na mapalis dahil mabilis na siyang lumapit at hinabol ang papel, hanggang naabutan niya ang dalawang punit na piraso. Ngunit mabilis din nawala sa kaniyang kamay nang agaw