DAHIL sa pagtawag ni Kristen sa kaniya ay hindi na mapakali si Cadmus, kaya naman maaga na lang niyang tinapos ang trabaho sa kaniyang opisina at agad na umuwi sa mansyon ni Kristen. Pero pagdating niya ay hindi na niya ito naabutan pa dahil nakaalis na, sinabi na lang sa kaniya ng mga katulong na pinuntahan na nito si Cedric sa ospital. Kaya naman agad siyang sumunod. Ngunit pagdating niya sa ospital ay nawindang siya sa kaniyang nadatnan nang pagdating niya sa room ay may mga pulis na at nagkalat ang mga dugo sa loob ng room, mayroon sa kama at may mga patak din sa sahig. Parang sandaling humiwalay ang kaluluwa niya sa nadatnan. “Ano’ng nangyari, officer? Bakit may mga dugo?” tanong na niya sa isang pulis na kilala na siya, dahil isa ito sa mga nakausap niya nang mag-file siya ng comp