“Time of death: 01:32 PM.” Nabitin ang kaniyang tangkang pagpihit sa doorknob nang marinig ang sinabi ng doctor mula sa loob ng room. “No! Kuya! Kuya ko!” paghagulgol na ng babaeng kapatid ni Cedric mula sa loob. Parang gumuho naman ang mundo niya mula sa labas ng room at napatakip na lang ang nanginginig na kamay sa kaniyang bibig dahil napaiyak na rin siya. Hanggang sa napatakbo na siya palayo sa room at doon humagulgol sa loob ng kaniyang kotse. Nakita niya pa ang paglabas ng mga doctor sa katawan ni Cedric na nakahiga sa stretcher at nakatakip na ng puting tela, isinakay na sa kotse para iuwi na sa pamilya nito. Iyak siya nang iyak hanggang sa nakauwi, sising-sisi sa kaniyang sarili. Dumating ang araw ng libing, nakatanaw lang siya sa malayo mula sa loob ng kaniyang kotse. Punong