NATARANTA si Kristen nang pagdating niya ng mansyon ay nadatnan nga niya si Cedric na nakaupo sa couch habang tumutulo ang dugo sa mula kanang braso na may isang bala na nakabaon. “Oh my god, Ced. What happened to you? Why are you bleeding?” taranta na niyang tanong pagkalapit at nanlaki pa ang mga mata. “Let’s go to the hospital, para magamot ’yan. Nauubusan ka na ng dugo, oh god!” “No, my wife, gamutin mo na lang ako rito. Delikado kapag sa ospital, baka mamaya niyan ay makasalubong pa natin ’yong gunman sa daan o baka sumunod sa ospital kapag nalaman na naroon tayo,” sagot ni Cedric sa kaniyang at sumandal na lang ito sa couch habang patuloy ang pag-agos ng dugo sa braso. Mas lalong nataranta si Kristen at agad na naupo sa tabi ng asawa. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at mabilis