CHAPTER 61

2225 Words

KAHIT balik trabaho na sa ospital ay hindi pa rin napapawi ang saya sa mukha ni Kristen. Agad din niyang pinagyabang sa kaniyang PA na si Alie ang kaniyang engagement ring. “Sana all, doc, may forever na. Ako kaya kailan mapapansin ng tito mo?” sagot naman ni Alie sa kaniya. “Naku, huwag mo nang asahan pa ’yon, Alie. Tingin ko ay mas gusto no’n maging matandang binata na lang. Isipin mo, 42 years old na, pero hindi pa nagkakaroon kahit girlfriend man lang sana.” “Pikutin ko na lang kaya ’yan, doc?” ngisi nang suhestiyon ni Alie. Natawa naman si Kristen. “Desisyon mo ’yan, ikaw ang bahala. Kaso nakabalik na siya sa Chicago ngayon, at hindi ko alam kung kailan pa ang balik.” Napasimangot na si Alie na may panghihinayang. “Sayang naman, bet na bet ko pa naman siya kasi sobrang hot niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD