NANG makauwi na mula sa Las Piñas kinabukasan, hindi inaasahan ni Kristen na dadalhin naman silang mag-ina ng kaniyang kasintahan sa isang Glass Mansion na nasa Caloocan. Nasurpresa si Kristen sa laki at ganda ng mansyon na hindi pa natitirahan at wala pang masyadong mga gamit sa loob. Pero malinis na sa buong paligid. At mas nasurpresa siya nang pagkapasok niya sa living room ay nakita ang mga litrato nila ni Callum noong college pa sila, naka-display sa wall, at pati rin sa master's bedroom ay punong-puno ng mga sweet pictures nila. Hindi niya inaasahan na may graduation picture din niya siyang makikita. “Love, I didn't expect this. Oh my god, ang ki-cute naman ng mga pictures natin,” hindi makapaniwala niyang sambit habang tinitingnan bawat litrato. “Nagustuhan mo ba ang surpresa ko